Saturday, April 26, 2008

Tribute to Mayor Tato

by: Robert Julius Reyes
"Kami ay nabigla, nalulungkot sa balita.
Mahal naming si Ka Tato, kinuha na ni Bathala.
Marahil magdadagdag ng mga taong dakila
Sa ating kalangitan, sya'y gagawing tala."
"Mga Kababayan mo ngayo'y nagluluksa,
puno ng pighati sa puso at diwa,
Ganunpaman sa pagpanaw mo dito sa lupa,
sa aming alaala'y buhay ka sa tuwina."
"Maka-DIYOS syang tao, subok na matulungin,
Sa kanyang kapwa, pantay-pantay ang pagtingin.
Mahirap o mayaman;mangmang man o magaling,
Bata man o matanda, parehas lang ang turing!"
"Lider na pangsimbahan, gayundin pang-sibiko
Tunay na marangal, may matatag na prinsipyo.
Nakalulungkot man kanyang buhay-politiko,
Mananatili syang mahal ng mga tao."
"Yamang paglilingkod natapos na sa daigdig
Mahal naming Panginoon, dinggin aming dalangin,
Sa Banal Mong Kaharian, si Ka Tato'y tanggapin
Nawa'y marapating, bigyan diyan ng bagong opis."


*(with permission from author). This poem originally circulated via Lumban Hipong group.



No comments:

Post a Comment